"Alam mo, sayang ka."
Malinaw pa rin sa aking mga alaala, noong mga panahong iyon na ako'y kausap ng isa sa mga kamag-aral ko sa elementarya. "Sayang ka," kanyang bigkas. Tinutukoy niya ang aking mga grades - kung paanong mula sa pagiging first honor, onti-onting bumaba ang pwesto ko mula roon. Kahit sa pagiging 'achiever' man lang (o sa line of 9 na average), ay hindi ako nakaabot. Natahimik na lang ako sa sinabi niyang 'yon. Alam ko naman sa sarili ko na nagpabaya ako. Ngunit bakit?
"Matalino ka, at malayo ang mararating mo."
Pagbaba ko mula sa stage nung graduation, ito ang pagkakaalala kong sinabi sakin ng guro ko noon sa Math. Hindi man eksaktong iyon pero siya ang tanging guro na bumati sakin noon. Alam ko natahimik lang din ako, kasi totoo nga ba ito?
Lumipas ang panahon.
Noong high school, madalas ang aking pagliban sa klase. Parating sa mga unang araw ng pasukan, mataas ang grade ko at bumababa paglipas ng mga buwan. Dumating ang panahon ng mga entrance exams para sa kolehiyo at application para sa mga scholarships, at anong ginawa ko?
"Sayang ang talino mo."
Noong mga panahong iyon ay hindi ko lubos naintindihan - kung nasayang nga ba, o kung may angkin nga ba akong talino at kung ano ang silbi ng pagpupursigeng iyon. Iniisip ko ang mga hakbang na akin sanang ginawa. Mga panahon na hindi ko naibigay ang buo kong makakaya.
Ngunit bakit? Hindi ba ako naniwala? Hindi ko ba naisip ang bunga na akin sanang tinatamasa?
"Ang galing galing mo at sayang na sayang ka talaga!"
Tatlong taon mula ng ako'y magtapos ng high school, at narito ako sa loob ng Jollibee, kasama sila. Ilang taon na din ang lumipas. Ganun pa din ang mga ugali na aking nakilala.
Sa lagay kong ito, ang hirap paniwalaan, kung tunay ngang nasa akin nga ang sinasabi nilang iyon. Pati ang nakaakibat doon na pagbulong ng nakaraan, mga panghihinayang. Ngunit bakit? Hindi ko siguro naintindihan, hanggang sa dumating na ang kasalukuyan. Ang hiling ko lamang - maga pintuan ng kinabukasa'y bumukas na, at kung tunay ngang may potensyal na natatagong sa aki'y nararapat ibahagi, mangyari ito nawa.
Lumipas ang panahon. Tunay nga't may nasayang, ngunit naroon rin ang mga pangyayari't alaala na nagdala sa akin sa kasalukuyan. Marami ang panghihinayang. Minsan naiisip kong matulog na lamang, makinig sa dikta ng aking nakaraan na pabayaan ang mga bagay na may importansya.
May panahon pa, at maraming pwedeng mangyari.
Wednesday, April 9, 2014
Tuesday, November 19, 2013
Reasons Why It's Hard To Be An Introvert In The Philippines
Posted by
Unknown
at
12:00 AM
Labels:
filipino,
introvert,
list,
philippines,
pinoy,
tahimik
0
comments
Bumuo ang 8list.ph author na si Wincy Aquino Ong ng walong dahilan kung bakit mahirap maging isang introvert sa bansang Pilipinas. Maaari mong mabasa ang kanyang naisulat dito.
Monday, November 18, 2013
Isang Kwento Ng Pagbangon: Pilipinas at Bagyong Yolanda
Hindi ko lubos maintindihan ang lahat - kung tunay nga bang mayroon itong dahilan, at kung ano nga bang kinahinatnan ng mga taong, sa hindi inaasahang pangyayari, ay yumakap sa kamatayan. Mga taong, bagamat hindi man natin kilala sa personal, ay mayroong mga personalidad, pangarap at mithiin. Mula sa mga sanggol na walang kamuwang-muwang, at mga may edad na marami ng naranasan, walang pinili ang karahasan ng bagyong tumama sa lupang sinilangan.
Sari-saring emosyon na tila naghalo na, hanggang sa hindi ko na ito mabigyang depinisyon. Takot, pangamba, galit at kalungkutan. Mga emosyon na, ang ilan sa atin ay tila pinagwawalang bahala na lamang ngayon dahil sa takot na lumusong sa kailaliman. Kalungkutan na dala ng pagharap sa isang bangin na puno ng kadiliman.
"Bakit?!" Aking sigaw. Marahil ay walang nakaririnig, marahil buong pusong nakikinig ang Ama, o ang mga ibong nagliliparan. Sa aking paligid, naroon lamang ang nangingibabaw na misteryo sa mga nagtumbahan na puno at mga wasak na gusali, at ang mga katawan na, kung ako'y hindi nagkakamali, bumubulong at humihingi ng tulong sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan at pag-ihip ng hangin. Pansin sa buong paligid na tila ang mundo ay gumuho na, at wala ng pag-asa.
Damdamin, namumuo at nangingibabaw, na kung tutuusin ay marami ang magsasantabi upang magpatuloy at upang magawa ang kanilang dapat gawin. Damdamin, na marahil ay katotohanang tinatakasan o sagabal sa mga mas mahahalagang tungkulin. Saan nga ba ito tunay na natatapos? Saan nga ba ito tunay na nagsisimula?
Sa dulong pangpang, sa pinaka-silangan, aking hinarap ang malawak na karagatang pasipiko, at lumusong sa kailaliman - sa tubig na itim, na sa aking pagkamangha, bagamat puno ng pangamba at katanungan, nandoon ang mga mahalagang katotohanan.
At sa aking pag-ahon...
Sa aking pagbangon...
Sa aking muling pag silay sa Araw...
Aking malalaman at pagbibigyan ng pansin ang siyang may tunay na kahalagahan.
-Pilipinas
Saturday, June 29, 2013
Filipinos and Social Networking
Posted by
Unknown
at
7:01 PM
Labels:
extrovert,
facebook,
filipino,
instagram,
introvert,
philippines,
pinoy,
ramblings,
social networking,
twitter
0
comments
Karamihan talaga sa mga Pinoy masasabi kong mga madaldal, outspoken, mahilig sa happy-happy, at sa mga kung ano-ano. Mga takaw-atensyon din, base sa mga observation ko sa mga Filipino sa Instagram, Facebook at Twitter.
Ewan ko ba kung anong mapapala nila ng madaming followers. Pa-add, pa-follow, tapos puro mga pa-cute at mga nag-fafansign. Pero anong magagawa ko ganun sila eh. Ayun ung kasiyahan nila sa social networking.
Sakin mas gusto ko ung mga totoong kaibigan - ung masasabi kong kilalang kilala ko talaga. Hindi ung mga kasama o katropa ko lang. Kaso bihira na yung ganun eh...sayang :)
Ewan ko ba kung anong mapapala nila ng madaming followers. Pa-add, pa-follow, tapos puro mga pa-cute at mga nag-fafansign. Pero anong magagawa ko ganun sila eh. Ayun ung kasiyahan nila sa social networking.
Sakin mas gusto ko ung mga totoong kaibigan - ung masasabi kong kilalang kilala ko talaga. Hindi ung mga kasama o katropa ko lang. Kaso bihira na yung ganun eh...sayang :)
Thursday, April 12, 2012
Kinabukasan
Posted by
Unknown
at
5:59 AM
Labels:
filipino,
introvert,
philippines,
pinoy,
ramblings,
silent
2
comments
Ang kinabukasan walang kasiguraduhan. Hindi mo alam kung anong talagang mangyayari. Kahit anong paghahanda mo, o pag-aaral ng mabuti, sa opinyon ko, hindi pa din naman tayo ang may hawak ng kinabukasan natin.
Bilang introvert, nakaka-let down ung minsan talagang pinepwersa tayo ng iba na magbago, mas maging outspoken, mas buksan ung bibig natin. Bakit nga ba sila ganun? Siguro, ayun nga, kasi nabubuhay tayo sa isang mundo na naniniwala sa "Extravert Ideal". Na kung sino ang mas may charisma, sino yung mas totoo, outspoken - siya yung mas kahanga-hangang tao.
Ganun na talaga eh. Sana nga may nakakaintindi sa'kin dito. Sana naintindihan ng iba at rinerespeto yung pagiging introvert ng marami.
I'm taking a shot at University of the Philippines Diliman, pero hindi ako confident. I'm not exactly the best, but there's no harm in trying. Di ko alam ang future ko sa isang bansang extraverted masyado. I don't know, I might be too judged, I might be stepped on, but I'll keep the faith...may tiwala ako kay God.
Wednesday, April 4, 2012
Kapanglawan
Kapanglawan.
Mga Filipino. Karaniwan tayong masiyahin, makulit...marunong makipagkapwa at mayroon tayong tapang na harapin ang sino mang nakaharang sa mga pangarap na nais nating abutin.Eh...lahat nga ba ng Filipino'y ganun?
Maraming kaibigan. Nakikisalamuha sa iba. Nakikipaglaro. Aktibo tuwing recitation...hinahangaan ng marami.
Lahat nga ba tayo'y ganun?
Hindi lahat.
May mga Pinoy pa rin na pinipiling manahimik at makinig. May mga Pinoy na mas komportable rito at lumaking ganito.
Ang blog na ito ay para sa kanila Sa mga introverts. Mga underdogs. Na sa unang tingin ay parang walang maibubuga ngunit maraming laman ang isipan.
Welcome kayong lahat dito.
Subscribe to:
Comments (Atom)